CAUAYAN CITY- Nasamsam ang ilang illegal na baril at mga bala sa tahanan ng isang magsasaka sa isinagawang search warrant ng mga kasapi ng Quezon Police Station

Sa nakuhang na impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, ang sinilbihan ng search warrant ay si Dennie Palecpec, 40 anyos, may asawa, magsasaka at residente ng Barangay Calaocan, Quezon, Nueva Vizcaya.

Ayon sa report ng mga otoridad pinangunahan ang pagsisilbi ng search warrant ng Nueva Vizcaya Mobile Force Company 3rd Platoon at ng Quezon Police Station laban sa suspect na nagresulta sa pagkakasamsam ng isang Caliber 45, dalawang magazine ng Caliber 45, dalawamput tatlong bala ng Caliber 45, isang bala ng 9mm, mga bala ng 12 gauge shotgun at isang bala ng Caliber 5.56 .

Dinala sa Quezon Police Station ang suspect maging ng baril at mga bala .

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (illegal Possession of Firearms) si Palecpec.