CAUAYAN CITY Dinakip ang isang magsasaka matapos na masamsaman ng hinihinalang iligal na droga at mga bala ng baril sa Purok 4, Barangay Antagan 1st, Tumauini, Isabela.

Ang suspek ay si Renie Rapadas, 42 anyos, may asawa, magsasaka at residente ng nabanggit na barangay.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang dalawang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang Marijuana, isang 12-gauge ammunition at isang bala ng 30 Caliber na baril.

Nabatid na drug surrenderer ang suspek noong taong 2016.

Sasampahan si Rapadas ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act of 2002.