Niyanig ng Magnitude 7.1 na lindol ang Davao region pasado 8:30 ngayong gabi lamang

Ayon sa Philippine Volcanology and Seismology (Philvocs) sentro sa nasabing pagyanig ang silangang bahagi ng Jose Abad Santos (Davao Occidental).

May lalim itong 116 kilometers at tectonic ang origin.

Sinasabing nasa Intensity V ang General Santos City, Intensity IV ang lungsod ng Davao, Intensity II ang Bislig City, Surigao del Sur.

Habang sa Instrumental Intensities, Intensity V ang Kiamba, Sarangani; Intensity IV ang siyudad sa General Santos; Alabel, Sarangani; Koronadal City, South Cotabato.

Nasa Intensity III ang Kidapawan City sa Bislig, Surigao del Sur; siyudad sa Gingoog, Misamis Oriental; Intensity II – ang Cagayan de Oro City; siyudad sa Surigao, Surigao del Norte; siyudad sa Borongan, Eastern Samar.

Samtang Intensity I ang Catbalogan City, Samar.

Ayon sa Philvocs, walang aasahan na pinsala ang nasabing pagyanig ngunit patuloy na mararanasan ang aftershocks.

Sa panayam ng Bomboradyo Davao kay Philvocs Director Renato Solidum, ang epicenter ng lindol ay nasa boarder line ng Malaysia at Pilipinas at sa dagat ito nagmula.

Ngunit nilinaw nito na walang tsunami alert na ilalabas matapos ang pagyanig.

Kung maalala isa ang Davao Occidental sa mga probinsiya ng Davao region na naapektohan rin sa nangyaring lindol noong taong 2019.