CAUAYAN CITY – Bumuhos ang mga pagbati sa number 1 sa Licensure Examination for Teachers (LET) na si  Bb.  Roslyn Vea Damasco,  residente ng Bliss Village, Ciy of Ilagan, isabela at  nagtapos ng kursong Education sa University of the Philippines (UP Diliman) sa Quezon City.

Sinabi ni Bb. Damasco na hindi  pa rin siya makapaniwala na siya ang number 1 dahil noong matapos ang exam noong September 26, 2021 ay umiyak siya at naisip na magpapasalamat na lamang siya kapag siya ay nakapasa.  

Tanggap niya anuman ang magiging resulta bagamat maraming taon niyang pinaghandaan ang exam dahil sa hangarin niyang maging number 1.

Nang lumabas kahapon ang resulta ng LET at hindi lang nakapasa kundi number 1 siya ay napaiyak siya sa labis na tuwa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Bb. Damasco na noong makuha siya sa UP Diliman at Education ang kanyang kurso ay naging goal na  niya ang makamit ang  number 1 sa exam.

-- Advertisement --

Nangulekta na siya ng mga libro at reviewer at labis siyang nagpapasalamat na natupad ang kanyang pangarap.

Si Bb. Damasco ay nagtapos na valedictorian  sa Ilagan East Integrated SPED Center maging sa Isabela National High School sa City of Ilagan.

Sinabi niya na makaraang magtapos sa kanyang kurso ay pinagtutuunan niya ng pansin ang pag-review para sa LET at nag-part time tutor din siya habang wala pang resulta ang licensure exam.

Mayroon aniyang nag-alok agad ng trabaho sa kanya sa Metro Manila matapos lumabas na number 1 siya sa Licensure Exam.

Ang pahayag ni Bb. Roslyn Vea Damasco