CAUAYAN CITY– Nagkaroon ng landslide sa bahagi ng kalsada papuntang Barangay Asaklat, Nagtipunan, Quirino.

Ang lansdlide ay naganap sa kurbahan at detour papuntang Alab.

Inihayag ni Municipal Disaster Risk Reduction Managament Officer Noli Tigas ng Nagtipunan na mayroon nang ipinadalang mga backhoe ang Municipal Engineering Office at MDRRMO para sa isasagawang clearing operation.

Sinabi pa ni MDRRM Officer Tigas na, inaasahang magiging maayos ang daan sa lalong madaling panahon.

Ang sanhi ng pagguho ng lupa ay dulot ng tuloy tuloy na pag-ulan na nararanasan sa lambak ng Cgayan dulot ng Tail end of frontal system.