CAUAYAN CITY – Isinara ng bansang Israel ang kanilang border at ipinagbawal ang pagpasok ng mga dayuhan matapos makapagtala ng dalawang kaso ng Omicron variant.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Jenny Cortes, isa sa mga trainees ng Agri-Studies sa Isarel at tubong Ilagan City na tanging Israeli Citizens lamang ang pinapayagang makapasok sa kanilang bansa simula noong ikadalawamput walo ng Nobyembre.

Ayon kay Cortes, magtatagal ng dalawang linggo bago buksan ng Israel ang kanilang bansa para sa mga dayuhang papasok sa Israel.

Noong hindi pa anya pumapasok ang Omicron Variant sa Isarel ay niluwagan nila ang mga health protocols at hindi na nagsusuot ng mga face mask sa outdoor places.

Sa ngayon anya ay maaring ipatupad ang mandatory na pagbabakuna ng  booster shots sa mga mamamayan ng Israel upang mayroong silang panlaban sa Omicron variant.

-- Advertisement --

Sinabi pa ni Cortez na ang nga dayuhang nakapasok sa Israel bago ang pagsasara nila ng border ay kinakailangang sumailalim sa swab test at labing apat na araw na quarantine.