CAUAYAN CITY– Nasa dalawampong bayan at isang lalawigan sa buong region 2 ang nananatiling African Swine Fever ( ASF ) Free.

Ito ay batay sa pinakahuling talaan ng Department of Agriculture (DA) region 2 .

Kinabibilangan ito ng mga bayan ng Sta. Praxedes, Claveria, Sanchez Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Camalaniugan, Sta. Teresita, Lasam, Rizal, Gattaran, PeƱablanca at Calayan sa Cagayan.

Dito sa Isabela, kabilang na ASF free ang mga bayan ng Divilacan, Maconacon, Dinapigue at Palanan habang sa Nueva Vizcaya ay ang mga bayan ng Bambang, Dupax del Sur at Alfonso CastaƱeda.

Sa kasalukuyan, nananatili pa rin sa ASF-Free ang lalawigan ng Batanes.