CAUAYAN CITY– Muling nakapagtala ang lalawigan ng Isabela ng mataas na nagpositibo sa COVID-19.

Ngayong araw ay naitala ang 64 na bagong kaso dahilan para umakyat na sa 481 ang aktibong kaso at 44 ang naka-recover.

Sa inilabas na abiso ng pamahalaang panlalawigan, 24 sa mga bagong kaso ang mula sa Ilagan City, 17 sa Cauayan City, 6 sa San Mariano, apat sa Ramon, tig-tatatlo sa Alicia, Tumauini at Luna, dalawa sa Benito Soliven habang tig-iisa sa Cabatuan, Roxas, San Pablo at Santiago City.

Sa mga aktibong kaso ay apat ang non-authorized persons outside residence o NON-APOR, 27 ang Health Worker, 10 ang pulis at 440 ang mula sa local transmission.