CAUAYAN CITY– Naitala ang ngayong araw ang 14 na panibagong kaso ng COVID 19 sa Isabela.

Dahil dito ay umakyat na sa 421 ang aktibong kaso ng COVID 19 sa Lalawigan habang naitala naman ang 70 panibagong recoveries.

Nangunguna sa may pinakamaraming positibong kaso ngayong araw ang Santiago City na may 17 kompirmadong kaso.

Sinundan ng mga bayan ng Tumauini at Cabatuan na may tig-dadalawang kaso, habang may tig-iisang kaso naman ang mga bayan ng Benito Soliven, Gamu at Reina Mercedes.

Sa naturang bilang anim ang non-APOR, 21 health workers, 17 pulis at 377 ang mula sa Local transmission.

Patuloy pa rin ang paalala ng mga kinauukulan sa publiko na sundin ang mga minimum health standard para manatiling ligtas sa virus.