CAUAYAN CITY– Naitala ngayong araw sa lalawigan ng Isabela ang 57 na kaso ng COVID-19.

Sa inilabas na abiso ng pamahalaang panlalawigan, 20 sa mga bagong kaso ang mula sa Ilagan City, 11 sa San Mariano, tig-wawalo sa Naguilian at Luna, 3 sa Cauayan City, dalawa sa Ramon habang tig-iisa sa Angadanan, Echague, Palanan at Reina Mercedes.

Dahil dito, nasa 458 na ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Isabela.

Anim dito ang non-authorized persons outside residence, 25 ang health worker, 25 din ang pulis at 401 ang mula sa local transmission.

Magandang balita naman dahil 18 walo ang naidagdag sa mga gumaling.

Muling pinaalalahanan ng pamahalaang panlalawigan ang publiko na sundin ang mga alituntunin at huwag lumabas sa tahanan kung hindi kinakailangan.