CAUAYAN CITY – Pansamantalang nagsara ang ilang paaralan at komunidad dahil sa muling pagkakatala ng mga kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Ginang Chai Roxas ng Wuhan City, China na hindi pa naman nagsara ang lahat ng mga paaralan subalit ang pinakaapektado ay ang mga kindergarten.

Kabilang na rito ang ilang paaralan kung saan may mga Pilipinong nagtuturo.

Aniya, kapag walang pasok ay depende sa management ng paaralan kung bibigyan sila ng kalahati sa kanilang monthly salary habang ang iba ay no work no pay.

Ayon kay Ginang Roxas, tatlong komunidad na rin sa Wuhan City ang nagsara matapos na makapagtala ng pitong kaso.

Kinabibilangan ito ng Hanyang District, Hongkou District at Jinjang District.

Aniya, kapag sarado ang isang community ay puwede pang lumabas ang mga tao pero hindi sila makakapunta sa ibang distrito.

Sa kanyang community ay bukas pa naman ngunit mahigpit ng ipinapatupad ang pagsusuot ng mask, pagtalima sa social distancing at magpakita ng health o QR code.

Sinabi pa ni Ginang Roxas na matapos mapag-alaman ng mga tao na posibleng maglockdown sa Wuhan City ay nagpanic buying na ang mga tao.

Nagkaubusan aniya ang mga meat products ngunit mayroon pa namang basic goods.

Sa ngayon ay mayroon nang 84 na kaso ng magkahalong delta at dating variants ng COVID-19 ang buong China.

Ang pahayag ni Gng ChairRoxas