CAUAYAN CITY– mas hinigpitan ang pagbabantay sa ground zero ng twin tower sa New York City kung saan pinabagsak ng mga terotista noong September 11, 2001.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni G. Farlie Salvador ng New York City na rin ngayon ng napakagandang tourist destination ang lugar kung saan nakatayo ang pinabagsak na twin tower sa New York City.

Sa ngayon anya ay mahigpit ang seguridad na ipinapatupad sa New York City para sa paggunita ngayong araw ng nasabing trahedya.

24/7 anya ang pagbabantay ng mga otoridad kasabay na rin ng nagaganap ngayon sa Afghanistan.

Samantala, inihayag pa ni Ginoong Salvador na bagamat matindi ang epekto sa ekonomiya ng Amerika ang naganap na terrorist attack ay naka move on na lahat sa nangyari ngunit nakatatak pa rin ang pangyayari sa puso ng bawat Amerikano..

Magsasagawa ng commemoration o celebration sa Liberty State Park sa New Jersy ang ilang Filipino-American bilang paggunita sa 9/11 attack.

Hindi rin anya malilimutan ng Amerika ang pangyayari dahil bukod sa libu- libong nasawi sa nasabing pag-atake ay maraming mga frontliners tulad ng mga pulis at bombero na tumugon sa trahedya ang nagkasakit at namatay dahil sa Kanser sa baga.

Bahagi ng pahayag ni G. Farlie Salvador