CAUAYAN CITY– – Kinumpirma ng Ministry of Health na isa ang tinamaan ng COVID-19 omicron variant habang 4 ang suspect cases sa Ontario, Canada.

Ang dalawa ay galing sa Nigeria habang hindi pa batid kung saan galing ang dalawang suspect case.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Gng. Marissa Hacjzar , pinay na nakapag-asawa ng Canadian sa Ontario na nagsasagawa na ng contact tracing ang Canadan government sa mga close contact ng isang nagpositibo sa Omicron variant at ng 4 na suspect case para maisailalim sila sa quarantine.

Nagpatupad na rin ng paghihigpit ang pamahalaang Canada tulad ng pagbabawal sa pagpasok ng mga galing sa mga bansa na may kaso ng Omicron variant at pagbiyahe rin ng mga Canadian patungo sa mga apektadong bansa.

Bahagi ng pahayag ni Gng. Marissa Hacjzar