CAUAYAN CITY – DinakipĀ ang isang Hardware Helper sa Brgy. San Marcos, Cabarroguis, matapos masangkot sa pagbebebnta ng iligal na droga.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCpl. Jaylord Romero ng Cabarroguis Police Station sinabi niya na ang suspek ay si Nestor La Torre alyas Jay R, walang asawa, tubong Caloocan City at pansamantalang namamalagi sa Andres Bonifacio, Diffun, Quirino.

Sa pangunguna ng Cabarroguis Quirino, Quirino Police Provincial Office at PDEA RO2 ay isinagawa ang isang anti-illegal drug buy-bust operation na nagbuna ng pagkadakip ng pinaghihinalaan.

nakipagtransaksyon umano ang suspek sa isang pulis na umaktong bibili ng droga kapalit ng limang daang piso na nakuha sa kaniyang pag-iingat.

Nakuha rin sa pagiingat nito ang isa pang sachet ng hinihinalang Droga kabilang ang isang Keypad Phone na ginagamit nito sa transaksyon.

Nadawit din sa kasong pagnanakaw si dela torre  sa Navotas City ngunit naabsuwelto rin ito.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa Suspek na nasa kostodiya na ng Cabarroguis PS.

Ang bahagi ng pahayag ni PCpl. Jaylord Romero ng Cabarroguis Police Station.