CAUAYAN CITY – Nasamsaman ng 3 sachet ng hinihinalang shabu at marijuana ang isang lalaki sa isinagawang drug buybust operation ng mga kasapi ng Echague Police Station sa barangay Libertad, Echague, Isabela.

Hindi muna ibinunyag ang kompletong pangalan ng suspect na itinago sa Alyas “Puraw”, 20 anyos at nagtapos ng kursong Criminology dahil hinahanap pa ang ilan nitong kasamahan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Major Michael Esteban, hepe ng Echague Police Station na kumukuha pa rin sila ng impormasyon sa pinagmulang bayan ng pinaghihinalaan at kasalukuyan isinasailalim sa profiling.

Sinaksihan ng mga opisyal ng barangay ang drug buybust operation na isinagawa ng pulisya.

Inihahanda na ng Echague Police Station ang isasampang kaso laban sa suspect.

Ang bahagi ng pahayag ni P/Major Michael Esteban