CAUAYAN CITY – Ikinalungkot ni Governor Rodito Albano ang pagpanaw ni Sangguniang Panlunsod Member Vedasto Villanueva, dating vice mayor ng City of Ilagan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Governor Rodito Albano na nalulungkot siya sa pagyao ni SP member Villanueva dahil nalagpasan niya ang pagpositibo sa COVID-19 ngunit pumanaw matapos na dumanas ng stroke.

Ayon kay Gov. Albano, malapit sa kanya ang city councilor at itinuturing nilang kapamilya.

Dagdag niya na si dating Vice Mayor Villanueva ay mabait, maasahan at laging iniisip ang kapakanan ng kanyang mga kababayan.

Ang pahayag ni Gov. Rodito Albano