CAUAYAN CITY – Ang delta variant  ang itinuturing ni Gov. Rodito Albano na dahilan ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Gov. Albano na puno na ang mga bed capacity sa mga ospital sa Isabela ngunit hindi siya puwedeng panghinaan ng loob kundi patuloy na magpakita ng lakas para hindi rin panghinaan ng loob ang mga mamamayan.

Ayon kay Gov. Albano, kahit anong status sa Isabela na patuloy ang pagbili nila ng mga gamot at kinakausap niya ang mga mayor para kung may kulang na pasilidad ay kukuha sila kahit mangutang pa.

Aniya, mayroon siyang  sinumpaang tungkulin sa mga mamamayan kaya kahit maiutang ang Panlalawigang Kapitolyo ay gagawin niya basta makapagligtas ng mga buhay.

Nagpapasalamat si Gov. Albano sa mga health care  workers at  sa mga doktor na walang nagrereklamo at  walang nagreresign kundi patuloy ang pagtulong sa pagbaka sa COVID-19.

-- Advertisement --
Ang pahayag ni Gov. Rodito Albano