CAUAYAN CITY – Boluntaryong namigay ng mga pagkain ang ilang Filipino sa Washington DC, Estados Unidos sa mga nagbabantay na sundalong Amerikano para sa inagurasyon nina President Jose Biden at Vice President Kamala Harris.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Bombo International Correspondent Bing Cardenas-Branigin, tubong Isabela at nasa Washington DC ngayon na may isang Filipino-American na nagboluntaryong mamigay ng mga pagkain sa mga sundalo at nagpatulong sa Filipino Community doon kaya siya napasama sa grupo.

Aniya, noong una ay humiling sila ng 4,000 food packs ngunit nadagdagan ito at umabot na sa 80,000 dahil may mga sundalo pang maiiwan sa naturang estado para magbantay.

Ayon sa kanya, milyon ang halaga ng mga pagkain na kanilang ipinapamahagi sa mga sundalo.

Tatlo lang silang Filipino ngunit marami silang mga kasama na ibang lahi.

Samantala, sinabi ni Branigin na ngayong bago na ang presidente ng Amerika ay umaasa sila na matitigil na ang pag-aaway ng pula at asul dahil masyado nang divided ang Estados Unidos.

Bilang mga Filipino na nakatira roon ay pangunahin sa mga nais nilang maayos ay ang racism, ang COVID-19 pandemic at ang ekonomiya ng Amerika.

Sinabi pa niya na may tatlong Filipino-American na naitalaga bilang policy makers kasabay ng inagurasyon ni Pangulong Joe Biden.

Ang pahayag ni Bombo International Correspondent Bing Cardenas-Branigin