CAUAYAN CITY – Naghahanap na ang Department of Science and Technology (DOST) ng magiging katuwang sa paggawa ng bakuna sa Pilipinas.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni DOST Undersecretary Rowena Guevara na sinisikap nilang makahanap ng magiging katuwang sa paggawa ng bakuna sa Pilipinas para magkaroon ang bansa ng vaccine security.

Aniya, may dalawang local companies na interesado at tinutulungan na sila ng ibang ahensiya na makipag-ugnayan sa mga gumagawa ng bakuna.

Pagkatapos nito ay maaring mag-umpisa na ang paggawa ng bakuna sa bansa sa 2022.

Hinikayat ni Usec. Guevara ang mga mamamayan na kung ano ang idineklarang bakuna ng vaccine cluster ng bansa ay huwag nang maging mapili dahil hindi pa sapat ang suplay ng bakuna sa ngayon.

Huwag aniyang matakot sa bakuna para lahat ay ligtas sa COVID-19.

Ang pahayag ni DOST Usec. Rowena Guevarra