CAUAYAN CITY – Magpapalabas ng bagong pahayag ang Department of Education (DepED) matapos ang pag-iimbestiga upang malaman ang tunay na dahilan ng pagpapakamatay ng isang grade 9 student sa Santiago City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Information Officer Amir Aquino ng DepED Region 2, sinabi niya na iniuugnay sa learning modules ang dahilan ng pagpapakamatay ng estudyante kaya nagpalabas sila ng statement noong January 15, 2021 upang ihayag ang kanilang ginagawang hakbang.

Ayon kay Ginoong Aquino, nakipag-ugnayan na sila sa school head ng eskuwelahan ng estudyante na kunin ang mga mahahalagang dokumento at mapag-aralan upang malaman ang sanhi ng pagpapakamatay ng binatilyo.

Ngayong araw ay muling maglalabas ng pahayag ang DepEd region 2 tungkol sa nasabing insidente.

Tiniyak din ni Ginoong Aquino na mabibigyan ng kaukulang tulong ang pamilya ng estudyante.

Hiling niya sa mamamayan na iwasan ang mga ispekulasyon sa naging sanhi ng pagpapakamatay ng estudyante at igalang ang privacy ng pamilya.

Ang pahayag ni Information Officer Amir Aquino ng DepED region 2