CAUAYAN CITY – Puspusan na ang paghahanda ng pambato ng Isabela sa Miss Universe Philippines (MUP) 2020.

Ang coronation night ng Miss Universe Philippines  pageant ay gaganapin sa May 3, 2020 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Maria Regina Malana, residente ng Quirino, Naguillian, Isabela, isang General Dentist na siya ay nasa Isabela ngayon para sa audio visual presentation shoot.

Sa ngayon aniya ay puspusan na ang kanyang training sa question and answer, good posture, language training at personality development na mahalaga sa patimpalak-pagandahan.

Sinabi pa ni Bb. Malana na natutuwa siya sa nakukuhang suporta ng buong Isabela pangunahin na ang mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan.

Ayon sa kanya, ang beauty pageant ay hindi lamang patimpalak sa pagandahan kundi kung ano ang purpose at adbokasya ng isang kandidata.

Labinlimang taong gulang si Dr. Malana nang unang lumahok sa beauty pageant.

Siya ay panganay sa 5 na magkakapatid at nagtapos ng Doctor of Dental Medicine sa University of the East noong 2018.

Ang tinig ni Dr. Maria Regina Malana