CAUAYAN CITY – Nagkaroon ng bahagyang pagtaas ng mga na-admit na COVID-19 patients sa Cagayan Valley Medical Center o CVMC kung ikumpara noong nakaraang araw ng Lunes.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Glenn Matthew Baggao, Medical Center chief ng Cagayan Valley Medical Center, sinabi niya na sa kasalukuyan ay nasa apatnapu’t pito ang COVID-19 patients na nasa pangangalaga ng kanilang pagamutan.

Batay sa kanilang datos malaki ang naitulong ng tatlong araw na bayanihan bakunahan sa CVMC ay ibat ibang RHU at ospital  sa Rehiyon dos upang mapanatili ang down trend ng COVID 19 sa rehiyon dos.

Bagamat nagtagal lamang hanggang limang araw ang bayanihan bakunahan ay ipagpapatuloy pa rin ng kanilang tanggapan ang pagbabakuna hanggang sa mabakunahan ang lahat ng mga residente na hindi pa nabakunahan.

Kapansin pansin na rin ang malaking pagababa ng mga nagdadalawang isip na magpabakuna sa lambak Cagayan dahil sa nakitang mahabang pila ng mga nais na magpabakuna sa nakalipas na bayanihan bakunahan.

-- Advertisement --

Patuloy din ang pagsusulong ng CVMC sa kanilang adbokasiya may kaugnayan sa kahalagahan ng pagbabakuna.

Sa kasalukuyan ay tuloy tuloy rin ang pagbibigay ng booster shot sa mga health care workers ng pagamutan anim na buwan makalipas nilang matanggap ang kanilang 2nd dose.

Samantala sinabi ni Dr. Baggao na kung siya ang tatanungin kaugnay sa pagdaraos ng malakihang pagtitipon o salo salo sa pagdiriwang ng Pasko kanyang sinabi na hindi pa napapanahon ngunit kung hindi maiwasan ay mainam pa ring mag-ingat lalo at may bagong variant ng COVI 19 ang kanilang binabantayan.

Ipinaliwanag ni Dr. Baggao na hanggat maaari ay maipag diwang ang Pasko at bagong taon sa Mapayapang paraan at iwasan na muna ang pagdalo sa anumang mga gatherings ngayong pasko maliban na lamang kung ang pagtiitpon ay magkakapamilya lamang  at sundin pa rin ang minimum public health protocol.

Ang bahagi ng pahayag ni Dr. Glenn Matthew Baggao.