CAUAYAN CITY – Pinangunahan ni America’s Got Talent 3rd Runner Up Marcelito Pomoy ang ginanap na concert kagabi sa Nagtipunan, Quirino bilang bahagi ng kanilang Penenkakasisit Festival.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Pcapt. Dominic Rosario, hepe ng Nagtipunan Police Station, sinabi niya na ang ginanap kagabi ay variety show concert nina America’s Got Talent 3rd Runner Up Marcelito Pomoy, Eric Santos, Moira Dela Torre at ang banda ng Ben and Ben.

Aniya, ang concert na ito ay handog ng LGU Nagtipunan sa kanilang mga kababayan at mga karatig na lugar bilang pagtatapos ng kanilang Penenkakasisit Festival.

Ayon kay Pcapt. Rosario, mahigit 2 months nila itong pinaghandaan at naging katuwang nila sa pagbibigay ng seguridad ang 86th Infantry Battalion, PA, Quirino Police Provincial Mobile Force Company at lahat ng kanilang mga stakeholders sa kanilang lalawigan.

Ang Penenkakasisit Festival aniya ay nagsimula noong February 23 at nagtapos kagabi.

Tinig ni Pcapt. Dominic Rosario, hepe ng Nagtipunan Police Station.