CAUAYAN CITY – Kasalukuyan ang pagsasagawa ng clearing operation ng mga otoridad sa pinangyarihan ng sagupaan sa pagitan ng aabot sa apatnapung Communist Terrorist Group at mga sundalo sa Brgy. Dungeg, Santa Taresita, Cagayan kahapon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Major Jekyll Dulawan ang hepe ng DPAO ng 5th Infantry Division Philippine Army, sinabi niya na nakakuha sila ng impormasyon tungkol sa presensya ng mga makakaliwang grupo na nagsasagawa umano ng extortion sa bahagi ng Brgy. Dungeg Sta. Teresita Cagayan ay nagsagawa sila ng operasyon.

Dahil sa hindi umano makalapit ang mga sundalo sa kuta ng rebeldeng grupo dahil sa mga itinanim na mga land mines ay rumesponde rin ang air assets ng Philippine Air Force at nagsagawa ng airstrike o close air support.

Ayon kay Dulawan, ang nasabing kuta ay pagawaan umano ng mga rebelde ng improvised explosive device o IEDs

Mabuti na lamang at wala namang casualty at nasugatan sa panig ng tropa ng pamahalaan.

-- Advertisement --

Aniya sa aircraft ng AFP galing ang tunog na narinig at ikinatakot ng ilang residente sa  Santa Ana, Gonzaga at Buguey.

Dahil sa mga itinanim na mga land mines ay matagal ang isinasagawang clearing operations ng mga tropa ng sundalo sa nakubkob na kuta ng mga rebelde dahil hindi sila basta nakakapaglakad sa lugar dahil sa makapal na vegetation na malayo na sa kabahayan.

Malaking dagok naman umano ito sa mga rebelde dahil sa nawalan na naman sila ng tirahan at pagawaan ng pampasabog.

Ang bahagi ng pahayag ni Major Jekyll Dulawan.