CAUAYAN CITY – Tiniyak ng City Health Office na hindi ang pagpayag sa home quarantine ang dahilan ng patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid 19 sa lunsod.

Sa nagiing panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Health Education and Promotion Officer Errol Maximo ng CHO, sinabi niya may mga kasong kasalukuyang nakahome quarantine at pinapayagan naman lalo na at araw araw naman silang namomonitor.

Aniya bago nila payagan na sumailaliim sa home quarantine ang isang nagpositibo ay tinitiyak ng mga barangay health workers na maayos ang bahay na tutuluyan nito dahil kailangang sarili nito ang silid at CR upang hindi makahalubilo ang kanyang kapamilya at makahawa ng virus.

Ang hindi pagsusuot ng facemask at faceshield maging ang hindi pagsunod sa social distancing maging ang hindi tamang hygiene ang nakikita nilang dahilan ng pagkalat ng virus sa lunsod.

Isa ring rason ang mga mamamayang patuloy na nagsasagawa o dumadalo sa mga okasyon kung saan nagkakaroon ng kumpulan ng tao at nagiging kampante na sa virus.

-- Advertisement --
Ang bahagi ng pahayag ni Health Education and Promotion Officer Errol Maximo ng CHO.