CAUAYAN CITY – Hindi nagpahuli nang buhay ang number 6 wanted person municipal level matapos makipagbarilan sa magkasanib na puwersa ng Mallig Police Station, Regional Intelligence Division (RID) region 2 at Intelligence Operatives ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) sa Mallig, Isabela.

Ang napatay matapos makipagbarilan sa mga otoridad ay si Edwin Battung, residente ng San Jose Norte, Mallig, Isabela.

Isinilbi ng mga otoridad ang warrant of arrest sa kasong carnapping laban sa akusado ngunit inilabas ang kanyang baril at pinaputukan ang mga pulis.

Dahil dito pinaputukan siya ng mga pulis na nagbunga ng kanyang kamatayan.