Photo credited to Emie Balauag of Echague, Isabela

CAUAYAN CITY– Nagulat ang isang nag-aalaga ng baboy makaraang manganak ang kanyang inahing baboy ng biik na may dalawang ulo na magkadikit.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Mr. Mar Balauag, 30 anyos, residente ng Santo Domingo, Echague, Isabela na normal ang 13 na biik na unang ipinanganak ng kanyang baboy subalit nagulat siya dahil ang ika-14 na biik ay may dalawang ulo.

Aniya, matagal na siyang nag-aalaga ng baboy sa isang farm sa Cabatuan, Isabela subalit ngayon lamang siya nakakita ng nasabing biik.

Sinabi pa ni Balauag na kasalukuyan pa nilang ginagamot ang biik na may dalawang ulo dahil mahina.

Ang biik ay tumitimbang ng isang kilo.

-- Advertisement

Samantala, inihayag ni Dr. Manny Galang, isang veterinarian na ang pagkakaroon ng dalawang ulo ng biik ay ang tinatawag sa veterinary medicine na Congenital anomaly.