CAUAYAN CITY – Sisikapin ng  Department of Labor and Employment (DOLE) region 2 na makabalik ang mga negosyong pansamantalang nagsara noong 2020 dahil sa pandemya na dulot ng Coronavirus Disease (COVID-19).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong chester Trinidad, information officer ng DOLE Region 2, sinabi niya na nasa 5,000 na negosyo ang sumailalim sa temporary closure  habang nasa mahigit 1,000 ang tuluyang nagsara ng negosyo.

Ayon kay Ginoong Trinidad, karamihan sa mga negosyong tuluyang nagsara ay kabilang sa Micro Small and Medium Enterprises (MSME) tulad ng mga bahay kainan at iba pang maliliit na negosyo na walang sapat na kapital upang makabawi sa mababang kita na dulot ng COVID-19 pandemic.

Patuloy naman siyang umaasa na sa pamamagitan ng alternative working arrangement na ipinapatupad ng DOLE ay bababa ang bilang ng nawalan ng trabaho sa rehiyon dos.

Sa kasalukuyan ay sinusuri na ng DOLE ang datos may kaugnayan sa regular unemployment rate at pandemic unemployment rate sa rehiyon.

Ang pahayag ni Ginoong Chester Trinidad