CAUAYAN CITY – Tinatayang nasa siyamnapung bahagdan na ng mga magsasakang nakapagpa-seguro ng kanilang mga pananim ang tatanggap na ng kanilang indemnity checks mula sa Philippine Crop Insurance Corporation o PCIC.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni City Agriculturist Engineer. Ricardo Alonzo, na ang mga pinagkalooban ng imdemnity claims ay ang mga magsasakang nakapagpaseguro ng mga pananim na naapektuhan sa nakaraang tagtuyot at peste.

Sinabi niya na sa kasalukuyan ay tuloy tuloy ang kanilang pamamahagi ng indemnity check sa halos siyamnaraang  magsasakang kabilang sa ikatlong batch na makakatanggap ng PCIC indemnity checks.

Sa kabuoang 3,353 na magsasaka ay makakatanggap ng indemnity claims na nagkakahalaga ng 26 million 247 thousand 528 pesos na mula sa  PCIC.

Inaasahang sa mga susunod na araw ay magpapatuloy ang pamamahagi ng indemnity claims at kasalukuyan na ang processing ng 4th batch na puntiryang matapos sa buwan ng Disyembre.

-- Advertisement --

Patuloy na hinihikayat ni Eng’r. Alonzo ang mga magsasaka sa Lunsod ng Cauayan na magpatala sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture o RSBSA upang maipaseguro ang kanilang mga tanim maging mga alagang hayop dahil kung sakaling dumating ang kalamidad ay mayroon silang aasahang ayuda.

Ang bahagi ng pahayag ni City Agriculture Officer Engineer. Ricardo Alonzo.