CAUAYAN CITY – Umabot sa 836 na motorista ang nakapag-avail ng Auto Sweep RFID Caravan kahapon na isinagawa sa Cauayan City Sports Complex sa Tagaran, Cauayan City.

Isinagawa kahapon ang unang araw ng 3-day RFID Caravan sa Cauayan City at may schedule ang mga distrito sa Isabela.

Nagsimula kaninang alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon ang ikalawang araw ng RFID Caravan na magtatagal hanggang bukas, Biyernes, January 22, 2021.

Patuloy na inaanyayahan ng pamahalaang lunsod ang publiko na gamitin ang pagkakataong ito para makakuha ng Auto Sweep RFID na kailangan para makalampas sa tollway patungong Metro Manila.