CAUAYAN CITY– Sinampahan na ng kaso ang mga nasangkot sa pagbibihiyahe ng humigit kumulang 6,000 board feet na pinutol na kahoy na nasabat at nakumpiska ng mga kasapi ng Benito Soliven Police Station sa dalawang magkahiwalay na operasyon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PCaptain Krismar Angelo Casilana, hepe ng Benito Soliven Police Station ang mga nasabat nilang mga kahoy ay pawang mga hardwood na red at white lawan.

Magkasunod na nasabat ng mga otoridad ang dalawang truck na pinagsakyan ng mga kahoy.

Galing umano ang mga kahoy sa Dicamay, San Mariano, Isabela at idinaan lamang si Guilingan, Benito Soliven, Isabela habang ang isa pang truck ay dumaan sa Bella Luz, Benito Soliven, Isabela.

Naisampa na rin ang kasong paglabag sa Presidential Decree 705 (Revised Forestry Code of the Philippines) sa siyam na kataong nagbiyahe sa unang nasabat na sasakyan at anim na katao sa pangalawang nasabat na sasakyan.

Ang bahagi ng pahayag ni PCaptain Krismar Angelo Casilana