CAUAYAN CITY – Nasugatan ang anim na tao sa banggaan ng motorsiklo at tricycle sa provincial road sa San Pablo, Cauayan City.

Ang driver ng motorsiklo ay si John Caliton, 44 anyos at residente ng Magsaysay, Naguilian, Isabela habang ang driver ng tricycle ay si Orlando Duyaggan, 40 anyos at residente ng San Pablo, Cauayan City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, tinatahak ni Caliton sakay ng kaniyang morsiklo ang provincial road habang patungong forest region si Duyaggan sakay ng minamanehong tricycle na maghahatid sana ng kanyang mga pasahero.

Umagaw umano ng linya ang motorsiklo na nagresulta ng pagkasugat ng apat na pasahero ng tricycle at dalawang tsuper.

Napag-alaman na nakainom ng alak ang driver ng motorsiklo na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple injuries and damage to properties.