CAUAYAN CITY – Naniniwala ang pamunuan Division Public Affairs Office (DPAO) ng 5th Infantry Division Phlippine Army na ang pagsuko ng anim na kasapi ng New People’s Army (NPA) ay  bunga ng pagbibigay nila ng impormasyon at narinig ang palagi nilang  panagawan na sumuko na gayundin ang mga dayalogo  na isinasagawa ng militar sa mga liblib na lugar kasama ang mga naunang sumukong rebelde.

Naipaparating sa mga rebelde ang mensahe at ang maraming programa ng pamahaaan para sa mga sumusukong rebelde kaya napagtanto nila na  walang patutungunahan ang kanilang mga ipinaglalaban.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Maj Jekyll Dulawan, hepe ng DPAO ng 5th ID na natutuwa  sila sa pagsuko ng 6 anim na kasapi ng NPA dahil  malaking bagay ito  sa paghina ng mga rebelde sa Isabela.

Ang mga sumukong lima sa Lunsod ng ilagan ay sina Ka Nethan, 22 anyos, squad Leader; Ka Gerber, 26 anyos, vice squad leader;  Ka Jazzel, 27 anyos, S4 ng  Squad Uno; Ka Rey, 27 anyos, team leader ng Squad Dos; Ka  Rod, 51 anyos, Giyang Pampulitika ng Squad Tres; pawang mga kasapi ng Regional Sentro de Grabidad (RSDG) ng Regional Operations Command sa ilalim ng Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley (KR-CV)

Sila  ay kusang sumuko sa tropa ng 95th Infantry Battalion, 502nd Infantry Brigade, Philippine Army at Police Regional Office 2 (PRO2) sa Ilagan City at nagsuko ng tatlong matataas na kalibre ng baril.

-- Advertisement --

Samantala, kahapon ng umaga, sumuko si Ka Rod, medical officer ng West Front Committee, Komiteng Probinsya (KOMPROB) Cagayan, sa lalawigan ng Nueva Vizcaya sa pamamagitan ng pagtutulungan ng PRO2 at National Intelligence Coordinating Agency (NICA).

Batay sa salaysay ng mga sumukong rebelde, lumiit na ang lugar na kanilang ginagalawan at wala na silang mapagtataguan dahil wala na silang natatanggap na suporta mula sa mga mamamayan.

Hindi na rin  naniniwala sa kanila ang mga dating mamamamayan na sumusuporta sa kanila at isinusumbong ang kanilang presensiya sa mga otoridad.

Ayon kay Maj. Dulawan, patuloy ang paghina ng puwersa ng  Regional Sentro  de gravidad  na dating pinakamalakas na grupo sa ikalawang rehiyon nila dahil sa pagsuko na ng mga maraming miyembro at mga namatay sa mga naganap na sagupaan.

Ang pahayag ni Maj Jekyll Dulawan