CAUAYAN CITY – Mahigit 50 million pesos ang ilalaan na pondo ng pamahalaang Panlalawigan ng Isabela na pambili ng bakuna kontra CoronaVirus Disease (COVID-19) mula sa kompanyang AstraZeneca.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Governor Rodito Albano na  maaring darating sa bansa ang bakuna sa buwan ng Pebrero at umaasa siyang isa ang Isabela sa mga prayuridad ng pamahalaang pambansa dahil sa naitatalang mataas na kaso ng COVID-19.

Sa ngayon ay pinaghahandaan muna ng pamahalaang panlalawigan kung saan iimbak ang mga bakuna bago dalhin sa Isabela.

Sinabi pa ni Governor Albano na napili nila ang AztraZeneca dahil sa mas murang halaga.

Ayon pa kay Gov. Albano, titiyakin nilang maging maingat sa pagbibigay ng bakuna sa mga mamamayan upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.

Ang pahayag ni Gov. Rodito Albano