CAUAYAN CITY – Halos 3,000 na driver at operator ng Public Utility Jeepney (PUJ) ang makikinabang sa fuel subsidy sa ilalim ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa ikalawang rehiyon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Edward Cabase ng LTFRB Region 2, sinabi niya nasa 2,735 drivers at operators sa ikalawang rehiyon ang makakatanggap ng fuel subsidy sa pamamagitan ng Petroleum Driver Passport Card.

Hindi maaring i-withdraw para sa ibang bagay ang fuel subsidy at gagamitin lamang sa pagbili ng produktong petrolyo sa mga partner outlets kabilang ang Phoenix, Caltex habang ang Petron at Shell ay maaring maidagdag.

Nasa 7,200 ang ayuda sa bawat benepisiyaryo at marami na ang nabigyan sa pamamagitan ng Landbank na nagsimula noong nakaraang linggo.

May mga una na ring nabigyan bago ang pag-activate sa account ng iba.

-- Advertisement --

Paalala niya na hindi maaaring i-withdraw ang ayuda sa mga ATM subalit maaring tingnan o mag-inquire ng balance para makita kung mayroon nang naideposito sa kanilang account.

Layunin lamang nito na ilaan ang pera sa produktong petrolyo bilang ayuda sa mga tsuper dahil sa mga serye ng pagtaas noon ng presyo nito.

Tiniyak ni Regional Director Cabase na malalaman kung nagamit ito sa ibang bagay at sakali man ay maghahain sila ng show cause order sa sinumang lalabag at tatanggalin na sa pangalan ng mga benepisaryo sa mga susunod na ayuda.

Ang pahayag ni Regional Director Edward Cabase.