CAUAYAN CITY – Dalawang kasapi ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa Pinukpok, Kalinga kasama ang dalawang mataas na uri na may mga magazine at bala.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Maj Jekyll Dulawan, hepe ng Division Public Affairs Office (DPAO) ng 5th Infantry Battalion Philippine Army na ang mga sumuko ay sina alyas Berto, 30 anyos at alyas Ben, 29 anyos, kapwa  kasapi ng Komiteng Larangang  Abra, Mountain Province, Ilocos Sur (AMPIS) ngunit residente sila ng lalawigan ng Kalinga.

Kasama nilang sumuko ang isang M14 armalite rifle na may 2 magazine at limang bala,   isang Caliber 30 Carbine na may isang magazine at pitong bala.

samantala, nadiskubre rin ng militar ang  mga kagamitan ng mga NPA sa Balantay, Balbalan, Kalinga sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng mga dating rebelde.

Kabilang dito ang 4 na anti-personnel mines, 3 rifle grenade at medical supplies tulad ng 6 na piraso ng hiringgilya,  3 bandage, 4 intravenous fluids,  1 dextrose,  1 set ng surgical kit at mga subersibong dokumento.

-- Advertisement --

Sinabi ng mga sumukong NPA na nagpasya silang magbalik loob sa pamahalaan dahil pagod na sila at napagtanto nila na hindi nakakatulong sa  kanilang pamumuhay ang pagsapi nila sa kilusan.

Ang pahayag ni Major Jekyll Dulawan