CAUAYAN CITY – Arestado ang dalawang kalalakihan matapos magpaputok ng baril at masamsaman pa ng iba’t ibang klase ng baril sa Barangay Naganacan.

Kinilala ang mga suspek na sina Cyrus Baligod, may asawa, self-employed at si Virgilio Ramos, may asawa, self employed at pawang mga residente ng Purok 2, Brgy. Naganacan, Cauayan City Isabela.

Habang ang biktima naman ay si Benjamin Agaoid Jr. may asawa, magsasaka, negosyante at residente ng Brgy. MH Del Pilar, Alicia Isabela.

Ayon sa Cauayan City Police Station, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa isang concern citizen ukol sa pagpapaputok ng baril sa naturang lugar.

Agad namang rumesponde ang mga pulis at pagkarating sa Brgy. Naganacan ay agad silang sinabihan ng biktimang si Agaoid at tinuro nito ang suspek na si Baligod na boluntaryo namang isunuko ang kanyang Caliber-45 na baril na naglalaman ng sampung bala.

-- Advertisement --

Narekober naman sa pag iingat ni Ramos ang isang caliber 40 na baril na at may labing isang bala.

Narekober din sa sasakyan ni Baligod ang isang Riffle bag na naglalaman ng ibat ibang klase ng baril at mga bala

Batay sa imbestigasyon ng pulisya na nagtungo sa barangay Naganacan ang grupo ni Reynante Tinaza, sheriff ng MTCC para sa writ of execution sa lupa ni Benjamin Agaoid ngunit nagpaputok ng baril paitaas si Baligod na ikinabahala ng mga nagtungong tao doon.

Batay sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay ginoong Benjamin Agaoid Jr. na siyang biktima at may ari ng lupa na kung saan ilalagay ang writ of execution, sinabi niya na matagal na nilang sinasaka ang lupa hanggang sa nabili nila dahil ibinenta umano sa kanila ng may ari.

Kumpleto aniya sila sa papel at nalipat na sa pangalan ng kanyang mga magulang ang lupa.

Ngunit nung nakaraang taon ay bigla na lamang pinasok ang kanilang lupa ng mga dating may ari o ng mga nag benta nito.

Wala na umano silang nagawa kaya hinayaan na lamang nilang sakahin ito ng mga nanghimasok ngunit nagsampa pa rin sila ng kaso sa korte.

Nanalo sila sa kaso kaya ipapatupad na sana ng korte ang Writ of Execution ngunit ganito ang nangyari.

Una na silang nagtungo sa lugar kasama sheriff at ilang brgy officials para iserve ang notice na bibigyan ng ilang araw ang mga nanghimasok bago ilagay ang writ of execution sa lupain.

Pinaglalaban umano ng mga dating may ari na pineke lamang ang mga dokumento sa pagbili nila ng lupa.

Naghabla na rin aniya ang mga ito ng falsification of documents at nadissmiss ang mga ito.

Mensahe ni Ginoong Agaoid sa kabilang panig na sana ay unawain o sundin ng mga ito ang utos ng korte dahil hindi naman aniya sila mismo ang gumagawa ng kanilang hakbang kundi batay sa desisyon ng korte.

Ang bahagi ng pahayag ni Benjamin Agaoid Jr.