CAUAYAN CITY– Naitala ngayong araw sa Isabela ang 17 panibagong kaso ng COVID-19.

Sa inilabas na abiso ng pamahalaang panlalawigan, 7 sa mga bagong kaso ang mula sa bayan ng San Agustin, 3 sa Santiago City, tig-dadalawa sa Tumauini at Cauayan City habang tig-iisa sa Aurora, Cabatuan at Naguillian.

Labimpito rin ang naitalang recoveries at nasa a 404 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Isabela.

Sampo ang locally stranded individuals, 20 ang health workers, 15 ang pulis at 359 ang mula sa local transmission.

Muling pinaalalahanan ng pamahalaang panlalawigan ang publiko na sundin ang mga alituntunin at huwag lumabas sa tahanan kung hindi kinakailangan.