CAUAYAN CITY – Nakuha ng 14 Aanyos na dalagita mula Camarines Sur ang gold medal sa 1500 meter run girls category sa nagpapatuloy na 2019 Batang Pinoy Games Luzon Qualifying Leg na ginaganap sa Ilagan City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Leslie De lima, sinabi niya na naging kumpiyansa siya na mananalo dahil nagsanay siya ng mabuti.

Tumakbo siya ng nakayapak at ayon sa kaniya mas ginaganahan siyang tumakbo kapag walang suot na sapatos.

Una na ring sumabak at nakakuha ng dalawang medalya si Leslie sa palarong pambansa sa Vigan City.

Nakuha naman ng koponan ng Baguio City ang gintong medalya sa 1500 meter run boys category.

-- Advertisement

Panalo rin ang koponan ng San Jose Del Monte, Bulacan sa lawn tennis finals matapos talunin ang Sta Rosa City, Laguna.

Unang tinalo ng San Jose Del Monte, Bulacan ang Alicia , Isabela na naging susi sa kanilang pagpasok sa semi-finals at natalo rin nila ang koponan ng Pangasinan.