-- Advertisements --

Bagama’t tapos na ang kanyang reign bilang Miss Universe, hindi tumitigil si Catriona Magnayon Gray sa kanyang advocacy na tumulong sa mga nangangailangan.

Partikular pa rin dito ang kanyang youth foundation kung saan 6,000 families ang kanyang natulungan matapos masunugan sa Tondo noong nakaraang buwan, sa gitna ng Coronavirus Disease 2019 pandemic.

Sa post ng 26-year-old half Australian beauty na tubong Bicol, tila nagpahiwatig ito na maaaring hadlang nga ang deadly virus pero pinili niyang mag-reach out kasabay ng pag-iingat.

Samantala, tahimik pa rin ang pang-apat na Pinay Miss Universe kasunod ng kumpirmasyon ng singer/actor na si Sam Milby na sila ay magkasintahan na.

https://www.instagram.com/p/CAnGJYfg_4p/

Sa ngayon ay inaabangan din ang launching sa sariling waxwork ni Cat mula sa tanyag na wax museum sa London.