Maging kay 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray ay hindi katanggap-tanggap ang sinapit ng Black-American an si George Floyd.

Ayon sa 26-year-old half Australian beauty na tubong Bicol, sadyang global issue na ang racism sa iba’t ibang bansa ngunit hindi kailanman magiging solusyon ang karahasan.

Sinang-ayunan naman ito ng Pinay ding si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.

Nabatid na sumiklab ang kilos protesta sa Estados Unidos dahil sa sinapit ni Floyd kung saan napatay ito ng isang police officer sa kabila ng pagmamakaawa na nakuhanan pa sa video.

sam milby catriona gray

Samantala, wala pa rin namang nabanggit si Cat hinggil sa pag-amin ng singer/actor na si Sam Milby na sila ay magkasintahan na.