Reading Time: 2 minutes

Pinawi mismo ni 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray ang pangamba ng kanyang mga fans kaugnay sa kanyang pag-amin kamakailan na ilang linggo nang “feeling low and down” ngunit hindi binanggit ang dahilan.

Ayon sa 25-year-old Fil-Australian beauty, nais lamang niya malaman ng publiko na kahit nakamit nito ang tagumpay sa pagiging Miss Universe ay hindi siya “perfect Barbie” at dumadanas din ng mga pagsubok.

“I know everyone got worried but it’s also because I don’t usually share those types of things on social media. Honestly, I just wanted to prove that no matter where you are in life, no matter what success you achieve, there will always be moments of doubt and challenges that you need to overcome. No one becomes perfect and there is no stage in life where you won’t have any worries. I wanted to share that with people because this is me. I am not a perfect Barbie that does not go through life’s trials.”

Noong nakaraang linggo ay “home sweet home” uli sa Pilipinas si Cat para sa bagong proyekto.

Nabatid na may apat na buwan na lamang ang natitira sa Miss Universe reign ng Bicolana beauty, bago nito ipasa ang korona sa Disyembre ngayong taon.

Wala pang napipiling venue pero mas lalo pang umiinit ang usap-usapan na muling pagdaraos ng 2019 Miss Universe sa Pilipinas.

Ito’y kasunod ng pagkalat ng litrato ni Miss Universe Organization (MUO) President Paula Shugart na dumating sa bansa para raw bisitahin ang Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Una rito, sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson, sinabit nito na kabilang ang United Arab Emirates at South Korea sa mga nagtutunggalian para sa Miss Universe 2019 hosting.

Maging ang Pilipinas aniya ay nagbabakasakali rin daw sa muling pagho-host ng pageant pero aminado ito na malaking sponsorship ang kailangan ng bansa para muling hawakan ang coronation ngayong taon.

Taong 2016 nang huling idaos sa Pilipinas ang Miss Universe kung saan ipinasa ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang titulo kay Iris Iris Mittenaere ng France.

Pambato naman ng bansa sa kasalukuyan ay ang ang Fil-Palestinian model na si Gazini Ganados na tubong Zamboanga pero lumaki sa Cebu.