Itinuturing ni 2018 Miss Universe Catriona Gray na pagtatapos na ng panahon ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) ang hawakan ng Miss Universe franchise.

Ayon kay Catriona na maaaring nagkaroon lamang ng ibang brand na nag-eexpand.

Hindi naman nito ikinaila na naging maganda ang karanasan nito sa BPCI.

Umabot kasi sa 55 taon na hawak ng BPCI ang Miss Universe franchise sa Pilipinas at ngayon ay hahawakan na ng Miss Universe Philippines Organization simula 2020.

Itinalagang National Director ng Miss Universe Philippines Organization si 2011 Miss Universe Philippines Shamcey Supsup.