Sa Pilipinas magdiriwang ng kanyang 26th birthday si 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray.

Sa kanyang Instagram post, bakas ang excitement nito na pauwi na sa bansa para sa nalalapit na kaarawan sa January 6.

Nabatid na sa Australia siya nagdiwang ng Pasko at New Year kasama ang mga magulang.

“Heading home. 🇵🇭🥰 annnnnd it’s my birthday week!” ani Gray.

Ito’y kabaligtaran noong siya ay koronahan bilang 2018 Miss Universe kung saan sa Pilipinas siya nag-Christmas at New Year celebration pero sa New York na ipinagdiwang ang birthday.

Ang pang-apat na Pinay Miss Universe ay mayroong Australian na ama habang Pinay naman ang ina na tubong Bicol.