-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang ilangl lugar sa Bicol bandang alas-4:08 ng madaling araw.

Naitala ang epicenter ng pagyanig sa layong 75 kilometro sa hilagang-kanluran ng Pandan, Catanduanes.

May lalim itong 18 kilometro at “tectonic in origin.”

Naitala rin ang Intensity II sa Iriga City at Pili Camarines Sur; Jose Panganiban, Camarines Norte at Instrumental Intensity I sa Mauban, Quezon.

Naramdaman ang pagyanig sa Intensity II sa Paracale, Camarines Norte at Bula, Camarines Sur.

-- Advertisement --

Inaasahan din ang mga kasunod na aftershocks ng naturang pagyanig habang hindi naman inaasahan ang pagkasira ng mga ari-arian.