PNP CHIEF OSCAR ALBAYALDE 1
PNP Chief Albayalde

Isasailalim sa case build up ng Philippine National Police (PNP) ang mga pulitikong nanalo sa katatapos lamang na halalan at kabilang sa Narco list.

Una ng kinumpirma ni PNP Chief PGen. Oscar Albayalde nasa 27 na mga umano’y narco politicians ang nanalo.

Sa 47 na mga pulitiko pinangalanan sa narco list, 37 dito ang tumakbo habang 27 ang nanalo.

Tinukoy ni PNP chief na ilan sa mga pulitikong na nanalo at nasa narco list ay mula sa Central Luzon at Calabarzon.

Ayon kay Albayalde, bago pa ang halalan ongoing na ang kanilang imbestigasyon sa mga nasabing pulitiko.

Aminado ang heneral na hanggang sa ngayon wala pa silang naisasampang kasong kriminal sa mga pulitikong pinangalan sa narco list.

Bagamat ilan sa mga ito ay sinampahan na ng kaso ng DILG sa Ombudsman.