carmelo anthony 1
-- Advertisements --

Nagtala ng milestone sa kanyang career ang 37-anyos na si Carmelo Anthony matapos malampasa sa ika-siyam na puwesto sa NBA’s career scoring list si ang legend na si Moses Malone.

Nakuha ni Anthony ang career best nang magtala siya ng 28 points sa panalo ng Lakers kontra sa Memphis Grizzlies, 121-118.

Sa ngayon si Anthony ay nakatipon na ng 27,423 career points kung saan si Malone ay nasa 27,409.

Ang isa pang NBA great na si Shaquille O’Neal ay nasa ika-walong puwesto na merong 28,596 career points.

“It’s hard to put it into words that I’m still here and doing it that’s what I’m excited about,” ani Anthony. “That’ I’m here in year 19 and doing what I’m able to do. I’m still passionate about the game.”

-- Advertisement --