Carlos Yulo parallel bars 2
-- Advertisements --

Nakatuon ngayon si Filipino gymnast Carlos Yulo na makamit ang gold medal sa 2024 Paris Games.

Ito ay matapos ang matagumpay na pagkakuha niya ng gintong medalya sa World Championships sa Japan nitong nakaraang araw.

Sinabi ng 21-anyos na Southeast Asian Games gold medalist na naging inspirasyon niya para makakuha ng gintong medalya si Pinay weightlifter Hidilyn Diaz.

Tuluyan itong magpapagaling sa injury na kaniyang nakamit sa huling torneo para makapag-concentrate ito sa paghahanda sa Paris Games.