Reading Time: 1 minute

Nakapaghain na ng kanyang apela sa Commission on Elections (Comelec) ang kontrobersyal na si dating National Youth Commission head Ronald Cardema kaugnay ng ibinasurang nominasyon nito sa Duterte Youth party-list.

Nakasaad sa kanyang 24-pahinang mosyon, pinare-resolba nito sa House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) at hindi sa Comelec ang kanyang eligibility bilang first nominated candidate ng naturang partido.

“There is an MR (motion for reconsideration),” ani Comelec commissioner Rowena Guanzon.

Sa ilalim kasi ng House Rules, kikilanin lang ng Kamara ang isang indibidwal bilang miyembro ng mababang kapulungan kung valid ang proklamasyon nito at nakapanumpa sa pwesto.

“Whether a nominee is qualified or not is inconsequential since the matter of his qualifications will then fall under the sole jurisdiction of the HRET pursuant to Section 17, Article 6 of the 1987 Constitution,” ani Cardema.

Kung maaalala, dinisqualify ng Comelec 1st Division si Cardema bilang first nominee ng Duterte Youth dahil lagpas na ang edad nito sa age limit ng party-list representatives sa sektor ng kabataan.

Pero sa kabila nito, muling naghain si Cardema ng bagong certificate of nomination sa Comelec kung saan pangalan na niya ang una sa listahan.

Isang pwesto sa Kamara ang nasungkit ng Duterte Youth sa katatapod lang na midterm elections.

Nakuha ito ng asawa ni Cardema na si Ducielle na siyang unang first nomineer ng partido.

Una ng pinuna ni Guanzon ang Party-list Coaltion sa Kamara dahil sa tila maluwag na pagpayag nito noon kay Cardema na dumalo sa mga meeting ng party-list congressmen.