Pinawi ngayon ni Capas, Tarlac Mayor Reynaldo Catacutan ang pangamba ng kanyang mga kababayan kaugnay pa rin sa pagdating ng mga kababayan natin na idederetso sa New Clark City (NCC) at doon ika-quarantine.

Ang naturang mga Pinoy ay galing sa cruise ship sa Japan na ginawa nang quarantine site dahil sa pagkalat ng Coronavirus Deaseas 2019 (COVID-19) sa naturang barko.

Ayon sa alkalde, wala raw dapat ipag-alala ang mga residenteng malapit sa NCC sa Capas, Tarlac dahil sisiguraduhin daw nila ang kaligtasan na darating na mga kababayan.

Umaasa naman si Catacutan na hindi magbabago ang protocol gaya ng magandang ipinakitang protocol noong dumating ang 49 Pinoy na galing naman sa Wuhan, China.